Binuksan na ng Department of Transportation (DOTR) ang upgraded taxiways at taxiway Charlie 5 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Bahagi ito ng Phase 2 ng pagsasaayos ng taxiway na layong tiyakin ang kaligtasan ng bawat eroplanong dumarating sa paliparan mula sa tarmac hanggang sa terminal.
Sa pamamagitan ng programa, inaasahang bibilis ang aircraft movement at makakapag-accommodate ng mas maraming arrivals at departures kada araw.
Nasa isa punto isang bilyong piso ang halaga ng upgraded airside facilities kasama na ang civil at electrical works sa ilalim ng build, build, build program. – sa panulat ni Abigail Malanday