Muling nagsanib-puwersa ang SM foundation incorporated at department of Agriculture para palawigin ang urban gardening sa 21 pang SM malls.
Bilang masugid na nagsusulong ng green and sustainable living patuloy ang tagumpay ng SM Supermalls sa urban gardening na anila’y pangunahing component ng sustainable lifestyle.
Taong 2015 nang ipakilala ng SM Foundation Incorporated ang urban garden training bilang bahagi ng kabalikat sa kabuhayan farmers training program na layong mapalakas ang food security at makapagbigay ng alternatibong mapagkakakitaan sa urban areas.
Simula nito ay hindi na binitiwan ng sm ang commitment nitong suportahan ang agricultural industry ng Pilipinas.
Patunay dito ang rooftop urban gardens na matagumpay na naitayo sa SM North Edsa, SM City Fairview, SM City Sta. Mesa at SM East Ortigas na nagpapakita ng urban garden excellence.
Target ng SM sa mga susunod na taon na mapalawig pa ang programa sa pamamagitan ng pagtatayo ng dagdag na garden at higit pang ipapansin ito sa mallgoers.
Ikinasa na ng SM nitong Marso, sa pamamagitan ng SM Sunday Market ang patuloy na initiative para itaguyod pa rin ang urban gardening king saan binibigyan ng espasyo at pagkakataon ang libu libong local at backyard farmers na makapagbenta ng kanilang fresh produce sa mahigit 30 SM Malls sa buong bansa.
Binigyang diin ng SM Supermalls na ang partnership nito sa D.A. ang magpapaunawa sa mga Pilipino ng kahalagahan ng urban gardening para matiyak ang food availability at kalauna’y makapagtatag ng sariling agricultural enterprises.
Para sa mga dagdag na impormasyon sa SM Sunday Market bisitahin lamang ang SM Supermalls website.