Dedesisyunan na ng Charter Change Consultative Committee kung anong uri ng federal government ang planong ipasok sa mga probisyong aamyendahan sa konstitusyon.
Kabilang sa mga pinagpipilian ang presidential, parliamentary at hybrid o pinaghalong presidential-parliamentary form.
Napagkasunduan ng komite na magsagawa ng nominal voting upang bigyan ng pagkakataon ang bawat miyembro na ipaliwanag ang kanilang boto.
Ang komite na pinamumunuan ni dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno ay mayroong labing walong (18) miyembro.
Ang mabubuong panukala ng komite ay isusumite nila kay Pangulong Rodrigo Duterte at inaasahang ipapasa naman sa Kongreso na mayroong kapangyarihan tanggapin o tanggihan ito.
—-