Bahagyang humina ang Bagyong ‘Ursula’ habang sa binabagtas ang West Philippine Sea at papalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling namataan ang bagyo sa layong 235 kilometro, hilagang-silangan ng Coron, Palawan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot naman sa 115 kph.
Tanging signal number 1 na lamang ang nakataas ayon sa pag asa.
Nakataas naman ang signal number 1 sa hilagang-kanlurang bahagi ng Occidental Mindoro at Calamian Islands.
Samantala, inaasahang lalabas ng PAR ang Bagyong ‘Ursula’ sa Sabado ng umaga.