Handa ang United States Agency for International Development na magkaloob ng tulong para sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Ito, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ay kabilang sa mga tinalakay nina Pangulong Rodrigo Duterte at U.S. Ambassador Sung Kim nang bumisita ito sa Malakanyang, kamakailan.
Nag-alok na rin anya ng tulong ang China para sa muling pagbangon ng Marawi.
Sa katunayan anya ay nangako na ng 5 milyong pisong halaga ng financial assistance si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Zianhua.
Ipinunto naman ng kalihim na walang nabago sa relasyon ng Pilipinas at Amerika sa kabila ng independent foreign policy ng Duterte administration.
By: Drew Nacino
US-AID handa umanong magkaloob ng tulong para sa Marawi Rehab was last modified: July 7th, 2017 by DWIZ 882