Anumang araw ay posibleng dumating na sa Korean Peninsula ang US Carl Vinson Strike Group upang bantayan ang galaw ng North Korea.
Sabado nang maglayag ang US Aircraft Carrier Carl Vinson kasama ang anim na iba pang barkong pandigma mula Singapore patungong Western Pacific Ocean.
Ayon sa US Pacific Fleet, idineploy ang strike group upang mapigilan ang anumang tangka ng NoKor na magsagawa muli ng test-fire ng kanilang mga ballistic missile.
Gayunman, nangangamba ang Russia sa hakbang ng Amerika dahil hindi maiiwasan ng North Korea na umaksyon kung sa tingin nito ay banta sa seguridad ng kanilang bansa ang idineploy na US military assets.
Posible ring maglunsad ng biglaang missile strikes ang Estados Unidos laban sa NoKor gaya sa Syria.
By Drew Nacino