Posibleng sa katapusan pa ng buwang ito o sa unang linggo ng Disyembre dumating sa bansa ang bagong ambassador ng Estados Unidos sa Pilipinas na si Ambassador Sung Kim.
Ito ang kinumpirma ni Charge D’affaires Michael Klecheski sa isinagawang presscon ng monitoring nila sa naganap na US elections.
Sinabi ni Klecheski na, sa katunayan, nasasabik nang magtungo sa bansa si Kim at nais na rin nila itong makatrabaho.
Samantala, sinagot ni Klecheski ang tanong ng media hinggil sa pagiging unang ambassador ni Sung Kim na itinalaga sa Pilipinas na may lahing Asyano.
Paliwanag ng Charge D’affaires, tinitingnan nila si Kim bilang Amerikano kahit na isa itong Korean-American.
Wala rin, aniya, itong pinagkaiba sa kanya dahil isa siyang Polish-American.
Ang importante, aniya, ay kinakatawan ni Sung Kim ang Estados Unidos.
Si Sung Kim ang pumalit kay dating US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg.
By: Avee Devierte / Allan Francisco