Pormal nang nagpaalam si US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg.
Sa kanyang mensahe sa programa sa Ambassadors House sa Camp John Hay sa Baguio City, tiniyak ni Goldberg ang pagpapatuloy ng ugnayan ng Pilipinas at Amerika lalo na sa global issues tulad ng peace keeping efforts, climate change at iba pang usaping mahalaga kapwa sa dalawang bansa.
Tiwala naman si Goldberg na ipagpapatuloy ng papalit sa kanya ang magandang relasyon ng dalawang bansa gayundin ng mga programang naipatupad sa ilalim ng kanyang panunungkulan.
Inalala at ipinagmalaki ni Goldberg ang aniya’y achievement niya bilang ambassador tulad ng pag-ratify sa EDCA o Enhanced Defense Cooperation Agreement na nagpalakas pa sa alyansa ng Pilipinas at Amerika.
By Judith Larino