Inatasan ng Malacañang ang Department of Foreign Affairs o DFA sa pamamagitan ng embahada ng Pilipinas sa Washington na makipag-ugnayan sa United States Intelligence Community.
Kasunod ito ng lumabas na worldwide assessment report ng US Intel Community na nagsasabing banta umano si Pangulong Rodrigo Duterte sa Timog Silangang Asya.
Partikular na ipinag-utos ni Medialdea sa lahat ng opisyal at kawani ng embahada ng Pilipinas doon na bigyan ng tamang impormasyon ang US Intel hinggil sa tunay na sitwasyon ng Pilipinas.
Kahapon, ipinatawag ng tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea si US Ambassador to the Philippines Sung Kim para talakayin ang naturang usapin.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jopel Pelenio
Posted by: Robert Eugenio