Binalaan ni US Ambassador to United Nations Nikki Haley ang North Korea kaugnay sa posibleng panibagong missile test nito.
Ayon kay Haley hindi makikiisa at hindi kikilalanin ng Estados Unidos ang nakatakadang pag-uusap ng South Korea at North Korea oras na hindi nito tuluyang itigil ang paggawa ng mga nuclear weapon.
Dagdag ni Haley, kapag nagpatuloy ang North Korea sa paggawa ng mga nukleyar, tiniyak nito mas matibay na hakbang ng Estados Unidos laban dito.
Una nang nag-alok ng pag-uusap ang South Korea kasunod ng pahayag ni North Korean Leader Kim Jong Un na bukas siya sa negosasyon pero kanila pa ring ipagpapatuloy ang paggawa ng mga nuclear weapons.
—-