Pinayagan na sa Estados Unidos ang paggamit ng booster ng COVID-19 vaccine ng Pfizer sa mga edad 67 pataas, mga matatandang may comorbidity at mga may trabahong mataas ang exposure sa virus.
Ito ang inanunsyo ng US Food and Drug Administration kung saan nangangahulugan na nasa milyon-milyong Amerikano ang kwalipikadong makatanggap ng third shot ng bakuna, anim na buwan makalipas ng kanilang second dose.
Ayon kay Janet Woodcock, acting head ng US FDA, inaasahan na ang desisyon matapos pagkasunduan ng independent expert panel ang naturang hakbang.
Ilan sa mga kasali sa panel na nag-aprub ng booster para sa mga matanda, high-risk, ay mga vaccinologists, infectious disease researcher at epidemiologist.