Nilinaw ng BALIKATAN 2022 Exercises Secretariat na pagsasanay at hindi show of force ang muling pagsasama ng mga tropang Pilipino at Amerikano.
Ito’y sa gitna naman ng nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa Territorial dispute sa West Philippine Sea.
Ayon kay MGen. Jay Bargeron, ang US Exercise Director para sa Balikatan 2022, nakasentro lang sa defense capability enhancement at interoperability ng mga sundalo ng dalawang bansa ang naturang pagsasanay.
Mahalaga aniya para sa mga Sundalong Amerikano na makasama ang mga Pilipinong sundalo dahil sa malalim na ugnayan gayundin ang mga palitan ng kaalaman hindi lang sa pakikipaglaban kung ‘di sa pagsasagawa ng serbisyo publiko.
Kanina, pormal nang nagbukas ang BALIKATAN 2022 exercises na lalahukan ng may 3,800 na mga Sundalong Pilipino at 5,100 miyembro ng US Forces na siyang pinakamalaki sa kasaysayan.
Dito, masusubukan ang galing ng mga Pilipino at masanay sa mga bagong kagamitan sa tulong na rin ng mga Amerikanong Sundalo.