Kinilala ng Pangulong Rodrigo Duterte ang tulong ng Amerika at China sa kampanya ng pamahalaan kontra sa mga terorista sa Marawi City.
Winelcome rin ng Pangulo ang pahiwatig na tulong ng Russia para sa anti-terrorism campaign ng gobyernong Duterte.
Sa kanyang pagharap sa mga turistang Filipino American sa Davao City, tiniyak ng Pangulo na susunod ang bansa sa 1951 Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Gayunman, binakbakan pa rin ng Pangulo si dating US President Barack Obama dahil sa mga batikos nito sa kampanya ng administrasyon laban sa iligal na droga.
By Judith Larino
US at China aid kontra terorismo kinilala ni Pangulong Duterte was last modified: July 15th, 2017 by DWIZ 882