Kapwa itataas na ng Estados Unidos at China ang kanilang annual defense budget sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Kinumpirma ni US President Donald Trump na itataas ng 664 billion dollars ang budget para sa defense sa susunod na taon kumpara sa 598 billion dollars sa kasalukuyang fiscal year habang itataas ng China sa 145 billion dollars ang kanilang budget sa susunod na taon kumpara sa 134 billion.
Ito na ang pinakamataas na pondo ng defense sa kasaysaysan ng Amerika.
Kabilang sa tututukan sa budget increase ng US ang pagsasaayos ng kanilang nuclear arsenal habang nakatuon ang China kanilang Navy.
Samantala, plano rin ng Russia at Germany na itaas ang kanilang military spending habang hinihintay na ng Japan ang approval ng kanilang increase sa defense budget ngayong taon.
Naniniwala naman ang mga defense analyst na ang increase sa defense budget ng mga nasabing bansa ay indikasyon na pinaghahandaan na ng mga ito ang posibleng pagsiklab ng panibagong digmaan sa hinaharap.
By Drew Nacino