“Key actors” sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa Asia-Pacific Region ang United States at China.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang mensahe sa kanyang two-day state visit sa Vietnam.
Ayon kay Pangulong Marcos, hindi pipili ng papanigan ang Pilipinas at hindi nito paiinitin ang tensyon sa rehiyon. Pagbibigay-diin niya, mayroong independent foreign policy ang bansa.
Sa kabila nito, ipagpapatuloy ng Pilipinas ang military cooperation kasama ang Amerika upang palakasin ang kakayahan ng bansa sa depensa at pagtugon sa mga krisis at sakuna.
Matatandaang bumuo ang Pilipinas at Amerika ng bilateral defense guidelines upang gawing moderno ang alliance cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.