Nagbabadya ang mas malaking gulo sa South China Sea matapos magpalitan ng akusasyon ang Tsina at Amerika sa gitna ng pulong ng mga kinatawan ng dalawang bansa sa Beijing, ngayong araw.
Dumating sa Beijing si US State Secretary John Kerry para sa dalawang araw na “Eighth US-China Strategic and Economic Dialogue” na pangungunahan ni US Treasury Secretary Jacob Lew, Chinese State Councillor Yang Jiechi at Vice Premier Wang Yang.
Bago magtungo sa Beijing, muling inakusahan ni Kerry ang China sa pagsasabing ang paglalagay ng mga air identification zone ay maituturing na paghahamon at “destabilising act”.
Magugunitang binanatan ng Tsina ang Estados Unidos dahil sa pakikisawsaw nito sa territorial dispute sa Spratly Islands at may pagkakaroon ng pansariling interes sa mga pinag-aagawang isla.
Gayunman, hindi kasama sa dayologo ang issue sa West Philippine Sea sa halip ay sentro ng usapin ang Iran nuclear deal, paglaban sa ebola sa West Africa at pagsuporta sa UN sanctions laban sa North Korea, na matagal ng kaalyado ng China.
By Drew Nacino