Nakatakdang ipagpatuloy ang pagpupulong ng trade officials ng Estados Unidos at China ayon kay US President Donald Trump.
Ito ay para pag usapan ang napipintong pagtataas ng taripa ng Amerika sa mga produktong galing sa China.
Ayon kay Trump, hihintayin muna nila ang resulta ng naturang pagpupulong bago magdesisyon hinggil sa taripa.
Samantala, isang opisyal naman mula sa White House ang naglabas ng pahayag na may komunikasyon ang dalawang bansa sa iba’t-ibang lebel.
Matatandaang noong Lunes ay ipinahayag ni Trump na nagkausap ang ilang opisyal ng dalawang bansa sa telepono hinggil sa naturang isyu, ngunit itinaggi ito ng China.