Patuloy na umiinit ang tensyon sa Korean Peninsula dalawang araw matapos magpakawala ng inter-continental ballistic missile ang North Korea.
Ito’y makaraang maglunsad muli ang South Korea at Amerika ng joint military exercise sa kabila ng panawagan ng Russia at China na itigil pansamantala ang naturang aktibidad.
Sa halip na matakot at masindak, nagsagawa ang US at SoKor ng live-fire ballistic missile test bilang babala sa NoKor.
Samantala, ibinabala ni US Ambassador to the United Nations Nikki Haley na nakahanda ang Amerika na gumamit ng pwersa militar laban sa North Korea kung hindi nito ititigil ang nuclear activities.
Gayunman, mas pinili anya ng Estados Unidos na “magtimpi” hangga’t maaari upang maiwasan ang pagsiklab ng digmaan.
By Drew Nacino
US at SoKor bumuwelta sa muling pagpapakawala ng missile ng NoKor was last modified: July 6th, 2017 by DWIZ 882