Sanib puwersa ang Amerika at South Korea sa pagsasagawa ng military exercise sa Korean Peninsula.
Dalawang araw ito matapos tamaan ng North Korean Missile ang karagatan ng Japan.
Ayon sa South Korean Air dalawang B-1b Bombers, apat na F-15 fighter jets at apat na F-35b fighter jets ang pinalipad sa US SOKOR exercise.
Bukod pa ito sa apat na fighter jets mula sa SOKOR na lumipad kasama ang US bombers mula sa Guam at apat pang jets mula sa US Marine Corps na naka base sa Japan.
Ang joint exercise ay bilang protesta sa anila’y paulit ulit na ballistic missile tests at paggawa ng nuclear weapons ng NOKOR.
By: Judith Larino
SMW: RPE