Naglabas ng travel advisory ang Estados Unidos at United Kingdom dahil sa posibleng pagdukot ng mga terorista sa Palawan.
Sa inilabas na travel advisory ng U.S. Embassy sa Maynila, nakasaad na nakatanggap sila ng impormasyon na plano umano ng mga teroristang grupo na magsagawa ng kidnapping activities sa Palawan, kabilang na ang Puerto Princesa City at Puerto Princesa Subterranean River National Park, kung saan target ang mga foreign national.
Pinapayuhan naman ng United Kingdom ang kanilang mamamayan na maging mapagmatyag at i-reconsider ang kanilang travel plans.
By: Meann Tanbio