Binalaan ng Estados Unidos ang China na maglulunsad ito ng countermeasures kapag nagpatuloy ang probokasyon nito sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.
Ayon kay US Secretary of State John Kerry, kapag nagdeklara ang China ng air defense identification zone sa disputed islands, mapipilitan gumawa ng hakbang ang Amerika.
Gayunpaman, hindi na idinetalye ng US ang mga balak nito.
Pinaalalahanan din ni Kerry ang China na sundin ang ilalabas na desisyon ng Permanent Court of Arbitration na nakatakdang ilabas sa July 12.
By: Avee Devierte