Binatikos ng Estados Unidos ang Russia dahil sa anila’y kabiguan nitong pigilan ang pagpapakawala ng chemical attacks ng kaalyado nitong si Syrian President Bashar Al-Assad.
Kasunod ito ng ulat na nasa 21 katao kabilang ang mga bata ang matinding naapektuhan ng chemical attack sa pinagkukutaan ng mga rebelde malapit sa Damascus.
Ayon kay US Undersecretary of State Steve Goldstein, hindi katanggap-tanggap na nadadamay at nasasawi ang mga sibilyan dahil sa kaguluhan sa Syria.
Kasabay nito, hinimok ng Estados Unidos ang Russia na obligahin si Al-Assad na tanggapin ang alok na tulong ng United Nations para sa isang mapayapang solusyon sa civil war sa Syria.
—-