Tuluyan nang binuksan ng Estados Unidos ang kanilang land at air borders sa mga foreign passengers na fully vaccinated laban sa COVID-19, matapos ang dalawampung buwang COVID-19 travel restrictions.
Epektibo simula ngayong araw ang pag-lift sa pandemic travel ban alinsunod sa kautusan ni US President Joe Biden.
Dahil sa nasabing direktiba, inaasahang magbabalik na sa normal ang sektor ng turismo sa amerikakahit nananatili ang banta ng COVID-19.
Magugunita noong Marso 2020 nang ipatupad ni dating president Donald Trump ang travel ban mula sa mga pasaherong mula European Union, Britain, China, India at Brazil, maging sa Canada at Mexico.
Sa datos ng World Health Organization nangunguna pa rin ang Estados Unidos sa may pinaka-mataas na COVID-19 cases na mahigit 46.5 million at death toll na 755,000. —sa panulat ni Drew Nacino