Ibinaba ng United States Centers for Disease Control and Prevention (US-CDC) ang travel advisory sa Pilipinas sa moderate level COVID-19 level 2 mula level 3.
Kabilang ang Pilipinas sa 13 na mga bansa na inilagay sa naturang level.
Batay sa pinakahuling travel notice advisory, sinabi ng US CDC na ang mga biyahero na bakunado na o nakatanggap ng booster shots ay pinapayagang makabiyahe sa mga lugar na nasa ilalim ng level 2.
Habang ang mga hindi pa bakunado o hindi pa nakakatanggap ng booster dose ay papayagan lamang na makabiyahe para sa essential trips at dapat na komunsulta sa kanilang doktor.
Kailangan din ng mga ito na magpa-swab test tatlong araw bago bumiyahe.
Ang pagbaba ng travel advisory ay kasunod ng pagbulusok ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.