Nag-abiso ang U.S. Centers for Disease Control and Prevention na iwasan munang bumiyahe sa Pilipinas bunsod ng mataas na kaso ng COVID-19.
Ito’y matapos na mapabilang ang Pilipinas sa halos 130 na mga bansa at teritoryo sa Level 4 advisory, na pinakamataas na Level Advisory ng US C.D.C.
Maliban sa Pilipinas, kabilang din sa listahan ng US CDC ang Mexico, Brazil, Singapore, Ecuador, Kosovo, at Paraguay.