Walang karapatan ang US congress na manghimasok sa soberenya o usaping panloob ng Pilipinas.
Ito ang reaksyon ni senate majority floor leader Tito Sotto sa imbestigasyon ng human rights body ng US congress sa mga kaso ng pagpatay sa ilalim ng war on drugs ng pamahalaan.
Iginiit naman ni senate president pro tempore Ralph Recto, bagamat hindi siya sang-ayun sa pagbalewala sa karapatang pantao sa kampanya ng pamahalan kontra iligal droga.
Hindi aniya kabilang sa nasasakupang estado ng Amerika ang Pilipinas kaya’t hindi sila maaaring mag-imbestiga sa nasabing usapin.
Hindi naman ito minasama ni Senate president Koko Pimentel at sinabing “Mas maraming imbestigasyon mas masaya”.
Dagdag ni Pimentel, hihingi siya ng kopya ng committee report ng us congress at ikukumpara sa resulta naman ng naging imbestigasyon ng senado sa usapin ng mga pagpatay sa ilalim ng war on drugs ng Duterte administration.
By Krista De Dios (Ulat ni Cely Bueno)
US Congress walang karapatang manghimasok sa soberanya ng Pilipinas–Sotto was last modified: July 21st, 2017 by DWIZ 882