Sinisikap ng Estados Unidos na deadmahin na lamang ang mga pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa isang Senior Southeast Asian official ng US, ito ang pinakamainam na gawin para sa taong gaya umano ng Pangulong Duterte na mahilig sa atensyon.
Inihalintulad din ng US officials ang Pangulong Duterte kay Republican Presidential Candidate Donald Trump na habang pinapansin ay lalo lamang nagpapasikat.
Matatandaang ilang beses ding binanatan ng Pangulo ang Estados Unidos.
Ilan sa mga ito ang nangyayaring patayan sa Amerika dulot ng racial discrimination, paggiit ng Pangulo na tapusin ang military exercises sa pagitan ng Pilipinas at Amerika at pagmura umano nito kay US President Barack Obama na dahilan ng kanselansyon ng pulong sana ng dalawang lider sa ASEAN Summit.
European Union
Samantala, tiniyak naman ng European Union na patuloy nilang susuportahan ang Pilipinas.
Ayon kau European Union Ambassador Franz Jessen, nakikipag-ugnayan na sila sa tanggapan ng Presidential Adviser on the Peace Process para sa posible nilang maitulong para sa pagkakaroon ng kapayapaan sa Mindanao.
Maliban sa peace talks, sinabi ni Jessen na nakahanda din silang tumulong sa paglaban sa climate change, paglaban sa kahirapan at sa pagpapaunlad sa kalagayan ng mga kababaihan.
By Ralph Obina | Katrina Valle | Allan Francisco (Patrol 25)