Nakatakdang magbitiw sa puwesto si US Defense Secretary James Mattis sa Pebrero ng susunod na taon.
Ito ang kinumpirma ni US President Donald Trump.
Isa sa mga ibinigay na dahilan ni Mattis ay tila hindi na umaayon ang kanyang pananaw sa pananaw ng Pangulo ng Amerika.
Matatandaang nagpasya si Trump na i-withdraw na ang US troops sa Syria na kinontra naman ni Mattis at ilang mga matataas na opisyal at ilang mambabata sa Amerika.
Sa kanyang Twitter post ay nagpasalamat naman si Trump sa mga naitulong at magandang serbisyo ni Mattis sa loob ng dalawang taon nito sa puwesto.
General Jim Mattis will be retiring, with distinction, at the end of February, after having served my Administration as Secretary of Defense for the past two years. During Jim’s tenure, tremendous progress has been made, especially with respect to the purchase of new fighting….
— Donald J. Trump (@realDonaldTrump) December 20, 2018
….equipment. General Mattis was a great help to me in getting allies and other countries to pay their share of military obligations. A new Secretary of Defense will be named shortly. I greatly thank Jim for his service!
— Donald J. Trump (@realDonaldTrump) December 20, 2018
Inaasahang ilalabas ni Trump ang pangalan ng papalit kay Mattis sa mga susunod na linggo.
—-