Dumating na sa bansa si US Defense Secretary Louis Austin mula sa kanyang South East Asian Trip.
Si Austin ang isa sa top officials ng Biden administration na bumisita sa ating bansa.
Sinalubong siya ni US Embassy Charge D’ Affaires John Law at ilan opisyal ng ating gobyerno.
Nakatakdang makipagpulong si Austin kay pangulong rodrigo duterte bago ang kanyang pulong kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.
Ayon sa DFA, pag-uusapan ng dalawang opisyal ang mutual security concerns at Alyansa ng magkabilang panig.
Ang naturang pagbisita ni Austin ay sa kabila ng tensyon pagitan ng Beijing at Manila dahil sa diskurso sa teritoryo sa West Philippines Sea.—sa panulat ni Rex Espiritu