Nagkabanggaan ang isang US warship at merchant vessel sa silangang bahagi ng karagatang sakop ng Singapore.
Batay sa paunang report, sampung tripulante ng USS John S. McCain, ang nawawala samantalang lima ang sugatan sa insidente.
Matindi rin di umano ang pinsalang natamo ng guided missile destroyer ng US Navy.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na nasangkot sa banggaan ang US Navy Destroyer sa karagatan ng Asya.
Matatandaan na noong Hunyo ay nakabanggaan naman ng Us Fitzgerald ang container ship mula sa Pilipinas sa karagatan ng Japan.
Bukod sa muntik nang lumubog ang US warship, pito rin sa mga US sailors na sakay nito ang nasawi.
By Len Aguirre