Nanindigan ang Amerika na hindi nito papayagan ang bansang China na makontrol ang West Philippine Sea.
Ito umano ang inihayag ng Estados Unidos nang mapag-usapan ang isyu ng agawan sa teritoryo sa isinagawang 2 Plus 2 Meeting sa Washington DC.
Ayon kay Defense Spokesperson Peter Paul Galvez, muling iginiit ng Amerika ang kanilang ‘ironclad commitment’ o matibay na paninindigan para idepensa ang Pilipinas pabor sa ipinaglalaban nitong joint patrol sa West Philippine Sea.
Dagdag ni Galvez, magpapatupad umano ang mga Kano ng mga hakbang para masigurado na mapapanatili ang freedom of navigation at overflight sa rehiyon.
By Jelbert Perdez