Bahagyang muling lumakas ang palitan ng piso kontra dolyar sa halagang P58.58.
Matatandaang nagsara ito sa P59 noong Oktubre.
Sinabi ng eksperto na dumating na ang depreciation sa kabila ng pagtaas ng buwanang Gross International Reserves sa halagang 94.1-B dollars noong katapusan ng Oktubre.
Gayunpaman, nananatiling stable pa rin ang palitan ng piso matapos maitala ang P59 record high o psychological mark.
Bukod pa rito, bumaba rin ang pera sa halos 15% mula noong nakaraang taon sa P50.99 sa greenback o US dollars.—mula sa panulat ni Jenn Patrolla