Binalaan ng US Embassy ang kanilang mga mamamayan na bumibisita at naninirahan sa Pilipinas na mag-ingat ngayong holiday season kung kailan laganap ng mga krimen.
Ayon sa embahada ng Estados Unidos, madalas na natatarget ng mga kawatan at manloloko ang mga dayuhan dahil sa pag-aakalang mayayaman ang mga ito.
Marami na anilang insidente kung saan nabiktima ng mga mandurukot, holdapper, carnapper at magnanakaw ang mga Amerikanong nasa Pilipinas.
Dahil dito, pinayuhan ng US embassy ang kanilang mga mamamayan na manamit ng simple at iwasan ang pagsusuot ng maraming alahas.
Pinaiiwas din nila ang mga ito sa mga madidilim na lugar at pinag-iingat sa mga matataong lugar na posibleng maging target ng krimen o terorismo.
By Ralph Obina