Ipinaalala ng Philippine National Police o PNP sa mga raliyista na isang no rally zone ang US Embassy, iba pang embahada ng ibang bansa at tanggapan ng iba’t ibang international groups dito sa Metro Manila.
Ayon kay PNP o Philippine National Police Spokesman Chief Superintendent Dionardo Carlos, non-negotiable para sa protesta ang mga nabanggit na lugar.
Kahapon, sinabi ng NCRPO na 400 pulis ang ipoposte nila sa Embahada ng Amerika.
Ayon kay Carlos, sa ngayon inaasahan lang nilang idadaos ang mga kilos protesta sa Quirino Grandstand, People Power Monument, QC Circle, Mendiola at Plaza Miranda.
Muling umapela ang PNP sa mga organizer ng mga rally na tiyaking hindi sila mahahaluhan ng mga nais manabotahe sa aktibidad, huwag magdala ng armas sa rally, huwag okupahin ang mga kalsada para hindi magambala ang trapiko at huwag lumabag sa batas.
Bilin naman ni PNP Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa mga pulis, pairalin ang maximum tolerance ngayong araw.
—-