Itinanggi ng US embassy na nag aalsa balutan na ang mga tropa ng Amerika sa Mindanao
Ayon kay US embassy Spokesperson Molly Koscina ang paghahakot ng gamit ng US forces ay bahagi lamang ng Kanilang regular na paglilipat ng gamit na matagal nang naka schedule
Sinabi ni Koscina na wala pa namang natatanggap na abiso ang Amerika mula sa gobyerno ng Pilipinas para baguhin ang anuman sa bilateral cooperation ng dalawang bansa
Patuloy aniya nilang iginagalang ang napagkasunduang alyansa at mga treaty obligation at sana ay ganito rin ang pananaw ng Pilipinas
By: Judith Larino / Jonathan Andal