Nagbabala ang embahada ng Estados Unidos sa Pilipinas kaugnay ng mga scam na posileng bumiktima sa mga nagnanais na kumuha ng US Visa.
Ayon kay United States Embassy Consul General Russel Brown, marami na ang lumapit sa kanila para ireklamo ang ilang mga indibidwal na humihingi ng mga karagdagang pera kapalit umano ng US Visa.
Ilan aniya rito ay mga nagpapakilalang mga tauhan ng US embassy.
Binigyang diin ni Brown, hindi sila humihingi ng mga karagdagang pera maliban sa mga kinakailangang bayaran sa proseso ng aplikasyon.
“We will never contact you to ask for money associated with VISA or any immigration benefit. Anytime you pay for one of our services, it’s in the process of the application so it’s very very systematic but we will never ask to come to you directly and ask you. We would never ask for your credit card or bank details and in email and we will never call you or ask you for those details.”
Pinapayuhan naman ni Brown ang mga posibleng nabiktima ng scam sa pagkuha ng US Visa na makipag-ugnayan lamang sa kanilang anti-fraud unit.
“One of the things that you can do if you think you are a victim of a scam is to contact our anti-fraud unit and I’ll just give you the email address fpmmanila@state.gov.