Nagkasa ng health alert ang US embassy kaugnay sa outbreak ng tigdas sa ilang bahagi ng bansa.
Pinatitiyak ng embahada sa mga US citizens nito sa Pilipinas na naturukan sila ng MMR vaccine, ang bakuna kontra sa tigdas.
Inatasan din ng US embassy ang mga citizens nito sa Pilipinas na umiwas sa mga taong may sakit at basahin ang artikulong measles in the Philippines sa webpage ng CDC o Center for Disease Control.
Una nang idineklara ang measles outbreak sa ilang lungsod at bayan sa Negros Oriental, isang barangay sa Taguig, Zamboanga city at Davao City.