Binisita ng isang political officer ng Embahada ng Estados Unidos ang tanggapan nina Senate President Vicente Sotto III at Senador Antonio Trillanes IV.
Batay sa logbook ng Senado, dumating sa gusali ng Senado si US Embassy Chief of Internal Political Unit Josh Morris, mag-aalas diyes ng umaga kahapon para umano dalawin ang ilang mga senador.
Kinumpirma nito ni Sotto pero sinabing saglit lamang ang naging pagbisita ni Morris para mag-courtesy call lamang.
Habang ayaw namang kumpirmahin o itanggi ni Trillanes ang nasabing impormasyon.
Si Trillanes ay dalawang linggo nang nananatili sa gusali ng senado matapos bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng Proclamation No. 572 ang ipinagkaloob na amnestiya sa kanyang ng nakaraang administrasyon.