Inalerto ng mga otoridad ang US Embassy sa Kabul dahil sa umano’y banta ng pag-atake sa kapitolyo ng Afghanistan.
Ayon kay US State Department Spokesperson Elizabeth Trudeau, nakatanggap sila ng ulat na may magaganap na may pinaplanong pag-atake sa Kabul sa mga susunod na dalawang araw.
Dahil dito, mahigpit na pinag-iingat ng US Embassy ang kanbilang mga mamamayan na nasa Kabul.
Wala naman nang ibinigay pang karagdagang detalye ang Amerika sa kung sino ang target at sa kung anong pamamaraan balak isakatuparan ang nabunyag na pag-atake.
By Ralph Obina