Ipinabatid ng Embahada ng Amerika sa Pilipinas na sarado ang kanilang tanggapan sa darating na Lunes, Pebrero 19.
Batay sa abiso ng US Embassy, ito’y dahil sa paggunita ng Amerika sa President’s Day na isang holiday sa kanilang bansa kaya’t awtomatikong walang pasok sa lahat ng kanilang tanggapan.
Subalit, muli namang magpapatuloy ang operasyon ng embahada sa darating na Martes, Pebrero 20 ng taong kasalukuyan.
Ipinagdiriwang ng Amerika ang President’s Day tuwing ikatlong Lunes ng Pebrero upang gunitain ang buhay at mga tagumpay ng kauna-unahang Pangulo ng Estados Unidos na si George Washington sa kaniyang kaarawan.
Posted by: Robert Eugenio