Sarado ang tanggapan ng US Embassy sa Maynila sa Lunes Setyembre 4.
Sa ipinalabas na abiso ng Embahada ng Amerika sa Pilipinas, walang opisina ang kanilang tanggapan at iba pa nilang affiliated offices sa lunes bilang pagdiriwang ng American Labor Day.
Magbabalik naman ang kanilang regular na serbisyo sa Martes, Setyembre 5.
Ang Labor Day o Araw ng mga Manggagawa ay ginugunita sa Amerika tuwing unang Lunes ng Setyembre.
By Krista de Dios