Sarado ang embahada ng Estados Unidos sa Lunes, December 30.
Sa kanilang ipinalabas na abiso, sinabi ng US embassy na walang opisina ang kanilang tanggapan sa Roxas Boulevard at iba pang affiliated offices bilang pakikiisa sa paggunita ng Rizal Day.
Magbabalik operasyon ang embahada at iba pa nilang tanggapan sa December 31, Martes.