Nagpaabiso ngayon ang Embahada ng Estados Unidos at maging ang kanilang mga affiliated offices sa Pilipinas na pansamantalang isasara sa publiko ang kanilang tanggapan sa April 9, araw ng Martes.
Ayon sa inilabas na advisory ng US Embassy, itoy upang bigyang daan ang pagdiriwang ng bansa sa Araw ng Kagitingan.
Muli namang magbabalik ang operasyon ng lahat ng tanggapan ng US Embassy sa Miyerkules, April 10.