Wanted sa US Federal Bureau of Investigation (FBI) ang Kingdom of Jesus Christ (KJC) Founder at Pastor na si Apollo Carreon Quiboloy at dalawa pang ibang miyembro nito.
Ito’y makaraang maglabas ang FBI ng ‘wanted’ posters para kina Quiboloy, Teresita Tolibas Dandan at Helen Panilag.
Ayon sa FBI, si Quiboloy ay wanted dahil umano sa partisipasyon sa labor trafficking scheme at nagdala ng mga miyembro ng simbahan sa estados unidos sa pamamagitan ng fraudulently obtained visas o paggamit ng mapanlinlang na visa at pinilit ang mga miyembro nito na humingi ng donasyon para sa isang bogus charity na kanilang ginagamit upang tustusan ang mga operasyon ng simbahan at ang marangyang pamumuhay ng mga pinuno nito.
Maliban dito, sinabi ng FBI na ang mga babaeng biktimang kinukuha upang magtrabaho bilang personal assistant niya ay ang mga naghanda ng kaniyang mga pagkain, naglinis ng kaniyang tirahan, nagmamasahe at ini-rerequire ni Quiboloy na makipagtalik sakaniya na tinatawag ng mga pastoral na ‘night duty’
Matatandaang noong nobyembre, na-indict sa US si Quiboloy at iba pang church official kasama na ang dalawang US-based church administrators sa umano’y pagpapatakbo ng sex-trafficking operation. —sa panulat ni Airiam Sancho