Ikinokonsidera ng US Health Regulators ang pagpapapahintulot sa pagtuturok ng ika-apat na dose ng bakuna laban sa COVID-19.
Ayon sa report ng Wall Street Journal, sinusuri na ng U.S Food and Drug Administration ang mga datos ng nasabing second booster dose rna vaccines mula sa Pfizer incorporated and biontech at moderna incorporated.
Samantala, ang pag-ootorisa ng naturang booster ay dedepende kung ito ay ipapahintulot sa lahat ng nasa hustong gulang at partikular na age group. - sa panulat ni Airiam Sancho