Nagbabala ang US Food and Drug Administration (FDA) kaugnay sa paggamit ng syringes at needles na gawa ng isang Chinese medical firm.
Ito’y matapos mapaulat ang ilang isyu sa kaligtasan sa paggamit ng syringes at needles na gawa ng Guangdong Haiou Medical Apparatus Co (HAIOU).
Ayon sa FDA, nagkaroon kasi ng isyu sa kalidad ng mga gamit mula sa HAIOU dahil natatanggal umano ang mga karayom sa syringe na ginagamit pang turok dahilan para maiwan ang karayom sa braso ng pasyente.
Una rito, nabatid na kabilang sa ipinapadala ang naturang mga syringes at needles kasama ng ilang bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ngunit pinatigil na rin umano ang pagpapadala nito o makasama sa COVID-19 vaccinations kits noong ika-22 ng Marso.