Nagsampa na ng kaso ang US Federal Court laban sa Boeing Company.
Isinampa ang kaso sa Chicago Federal Court ng tatlong anak ni Jackson Musoni na kabilang sa mga pasaherong nasawi sa bumagsak na eroplanong Boeing 737 Max.
Kabilang din sa mga nagsampa ng kaso ang mga Dutch citizens at kasalukuyang naninirahan sa Belgium.
Inakusahan ang manufacturer ng naturang eroplano sa hindi pagbibigay abiso ng kompanya sa mga pasahero at piloto nito sa di umano’y palyadong sensors ng eroplano.
Hindi naman kaagad nagkomento rito ang nabanggit na kompanya.
Samantala, magugunitang sinuspinde ang 737 max planes sa iba’t ibang airline companies kasunod ang nangyaring aksidente sa Ethiopian Airlines na limang buwan lamang matapos mangyari ang parehong aksidente sa Lion Air crash sa Indonesia.
Nasa mahigit 300 katao na ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa dalawang nabanggit na aksidente mula noong Oktubre nang nakaraang taon.