Sinimulan na ng Estados Unidos ang pagpapauwi ng kanilang puwersang militar mula sa Syria.
Sinabi ni Sarah Sanders, Spokesperson ng White House na ang unti-unting pagpapauwi sa kanilang mga sundalo ay bahagi ng transition para sa susunod na bahagi ng kanilang kampanya laban sa Islamic State o ISIS.
Una rito, sinabi ni US President Donald Trump sa kanyang tweet na natalo na nila ang ISIS sa Syria.
Ipinahiwatig ni Sanders na ang unti-unting pagpapauwi sa kanilang mga sundalo ay hudyat ng tuluyang pagtatapos ng kampanya ng Estados Unidos na tapusin ang Syrian Civil War na ngayon ay nasa ika-walong taon na.
Samantala, nagpahayag naman ng pangamba ang mga kapwa Republican ni Trump na mas lumakas ang impluwensya ng Russia at Iran sa Syria kapag tuluyang umalis ang humihigit kumulang sa dalawang libong (2,000) sundalo ng Amerika sa naturang bansa.
—-