Ibinabala ng isang US general ang mas mapanganib na sitwasyon sa amerika sa susunod na taon.
Ito ayon kay US general Mark Milley, chairman ng Joint Chiefs of Staff ay dahil sa pananatili ng Al Qaeda terrorist na nasa Afghanistan.
Ibinunyag ni Milley na hindi pa nabubuwag ang pakikipag-alyansa ng Al Qaeda sa Taliban na responsable sa September 11, 2001 terror attack.
Sa gitna na rin ito ng imbestigasyon ng US congress kay Milley gayundin si Defense Secretary Lloyd Austin sa usapin nang pag-pull out ng mga sundalong Amerikano sa Afghanistan.
Inamin nina Milley at Austin ang biglang pagbagsak ng gobyerno na kaagad na-take over ng Taliban, kasabay ang panghihinayang sa anila’y nasayang na mga itinuro nila sa mga Afghans na pakikipaglaban sa mga terorista sa bansa nila.