Nagkaloob ang US government ng iba’t ibang health equipment at logistic kits sa Pilipinas.
Layon nito na mapalakas ang pagtugon ng bansa laban sa nakahahawang sakit na COVID-19.
Ayon sa Department of Health, kabilang sa ibinigay ng gobyerno ng estados unidos ang 18,000 rapid antigen at iba pang test kits, gaya ng “TaqPath COVID testing reagents” para sa Philippine Genome Center.
Nag-donate din ang US ng personal protective equipment at mahigit 100 wash kits para sa mga paaralan at sa Manila City Health Department.
Maliban sa nabanggit na mga donasyon, umabot sa mahigit 33 million vaccine doses ang naibigay ng US government sa Pilipinas sa pamamagitan ng Covax facility.
Ayon kay DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, nakatulong ang pakikipagtulungan ng bansa sa international community, patikular sa mga Pilipino at health systems sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.